November 17, 2024

MT PRINCESS EMPRESS, GALING SA SCRAP (Insurance ng barko, sinisilip ng DOJ sa likod ng insidente)

TALIWAS sa naunang impormasyon, hindi bago ang MT Princess Empress, ang oil tanker na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro na naging dahilan ng malawakang oil spill sa karagatan.

Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa kanilang latest finding ay hindi brand new ang lumubong na vessel dahil rebuild scrap ship ito na dalawang beses na binuo para maging oil tanker, at sa tantiya ng kalihim, ang barko ay maaaring 50 taon na.

Sinabi ng kalihim, na unang  inayos ang barko bilang LPG carrier saka ni-rebuild at pinahaba upang maging oil tanker, patunay aniya na hindi talaga ginawa ang barko para maging tanker.

May misrepresentaiton din aniya sa kasong ito dahil noong naunang  pulong nila noong Sabado ay sinabi ng may-ari ng barko na bago  ito at  2 taon pa lamang.

Kaugnay sa insidente nang paglunog, sinisilip ngayon ng DOJ ang anggulo ng insurance dahil may malaking insurance ang barko.

May hawak na aniya silang affidavit ng isang tao na mgpapatunay sa pangyayari  sa likod ng barko.