November 17, 2024

MRT-7 ipo-promote sustainable transport system – San Miguel


Inihayag ng San Miguel Corp. (SMC) na kasama ang aktibong transport solution sa pagpapatayo ng elevated turnback guideway.

Ayon kay SMC President and CEO Ramon Ang, ang turnback facility ay muling idinesenyo upang makalikha ng mas malawak na pedestrian walkways at bicycle lanes, na walang gagastusin ang lokal na pamahalaan.

Aniya, makatutulong itong modal integration upang pagaanin ang access sa MRT-7 at suportahan ang broader effort ng lokal na pamahalaan sa sustainable mobility at pagadahin ang kalidad ng buhay sa siyudad.

“The construction of MRT-7’s turnback guideway at West Avenue presented an opportunity for us to help advance Mayor Joy Belmonte’s push for more and better active transport infrastructure in the city. Once completed, the new configuration of the road will feature wider pedestrian walkways, and bike lanes that will benefit more people,” ayon kay Ang.

Ang pasilidad ay itinayo sa kahabaan ng West Avenue sa Quezon City malapit sa North EDSA Station ng MRT-7. Layunin nitong matiyak na ang mga serbisyo ng tren sa buong alignment ng proyekto ay mahusay at nasa iskedyul.

Ang pre-construction work sa turnback guideway ay nagsimula noong nakaraang linggo.

Sakaling matapos, ang umiiral na two-meter-wide sidewalk ay palalawakin hanggang 3.10 meters, ang bahagi nito ay itatalaga bilang bike lane. Ang umiiral na perpendicular parking sa kahabaan ng kalsada ay gagawing parallel parking din.

Bukod sa pagtatayo ng walkway at bike lane, sasaklawin din ng proyekto ang paglilipat ng mga utility tulad ng mga electrical lamppost, linya ng komunikasyon, drainage, tubig, at sanitary ducts, at iba pang serbisyo. Ang MRT-7 ay inaasahang maging isang 22-kilometrong mass transit system na nag-uugnay sa MRT 3 at LRT 1 at umaabot mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan. Layunin nitong bawasan ang oras ng biyahe mula Quezon City hanggang Bulacan hanggang 35 minuto lamang.