





TUKOY na ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang mga train stations at working shifts ng mga ticket seller na nagpositibo sa COVID-19.
Magsisilbi itong gabay upang madetermina ng mga mananakay ng tren kung nagkaroon sila ng direct contact sa naturang mga station personnel.
Mula sa 198 na empleyado na nagpositibo sa COVID-19, 177 ay nakatalaga sa MRT depot, 3 ang train drivers, dalawang control center personnel at 16 na station personnel.
Ang 16 station personnel na nagpositibo sa virus ay mga ticket sellers sa North Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, isang nasa reserved status at isang nurse.
Ticket sellers na naka-deploy sa North Avenue station na naka duty sa mga oras na: 1:00PM hanggang 11:00PM at 4:30AM hanggang 2:30PM.
Ticket sellers sa Quezon Avenue na naka- deploy mula 1:00PM hanggang 11:00PM.
Station personnel sa GMA-Kamuning station na nasa working schedule na 4:30AM hanggang 2:30PM.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok