Handang- handa na ang pamunuan ng MPD para sa idaraos ng pista ng poong itim na nazareno sa January 9, 2023
Kaugnay nito, magsasagawa ng send off ceremony ang MPD bukas sa Quirino Grandstand sa Ermita Manila.
Ito ang sinabi ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre Dizon sa isinagawang Media Conference sa Pope Benedict Building sa Quiapo Church kahapon.
Binangit niya na nasa 3,000 na mga tauhan ang kaniyang idedeploy at makakatuwang pa nila ang karagdagang 2,000 personnel mula sa Support Units/Agencies, ng Districts, NCRPO at iba pang Government Agencies para sa gagawin religious at national event.
Sinisiguro ni Dizon na magiging ligtas at payapa ang magiging selebrasyon ng pista ng itim na Nazareno kung saan mula sa Quirono Grandstand hanggang simbahan ng Quiapo ay nakabantay at nakamonitor sila sa bawat aktibidad.
Samantala, kaugnay nito sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Col. Procopio Lipana, na kasama sa pag pupulong na nasa higit 700 personnel ang kaniyang idedeploy sa araw mismo ng pista.
Kabilang sa mga dumalo kahapon, sa nasabing media conference ay sina Manila City Mayor Honey Lacuna, Dir. Gloria Balboa ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), Supt. Ronaldo Sanchez
Deputy District Fire Marshall, Manila Fire Department at sina Fr. Jonathan Mojica ang Parochial Vicar ng Quiapo Church kasama si Rev. Fr. Jun Sescon ang Parish Priest ng nabanggit na simbahan.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR