Labingsiyam na team ang nakatakdang magsagupa sa 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Mumbaki Cup. Na target simulan sa June 12.
Ito ay sinabi ni Commissioner Kenneth Duremdes sa PSA Forum. Kabilang sa team na lalaro ang Lakan Cup champion Davao Occidental-Cocolife. Gayundin ang San Juan-Go for gold.
Bagong team din ang Negros Muscovados sa regional semi-pro league. Ang mga players naman ng San Juan Knights noon ay nakalas. Dahil ang iba sa kanila ay naglalaro na sa VisMin Super Cup.
“Meron tayong bago, Negros. Sasali siya sa bubble natin. ‘Yung finalists natin andun din,” ani Duremdes.
Sasalang din kung sakali ang Las Pinas bilang bagong team. Subalit, sinabi ni Duremdes na hinihintay pa nila ang lungsod na magsubmit ng sulat ng intent to join.
Kaugnay naman sa opening ng liga, nangangamba ang MPBL na baka maantala muna ang Mumbaki Cup. Ito ay dahil sa pinakikiramdaman pa ang sitwasyon.
” Kung may ipatutupad na restrictions o lumala uli ang kaso ng COVID-19, postponed muna. Saka, nasa IATF kung papayagan nila tayong maglaro via bubble style.”
” Nasa LGU’s nakasasalalay yan saka sa IATF kung lalarga tayo sa Subic.”
“So yun yung nakikita natin na nahihirapan ang liga sa ngayon. Unang-una, wala pa tayo sa stage na magkaroon ng clearance yung mga LGUs na mag-hold ng kani-kanilang practices,” ani Duremdes..
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!