KINAKAILANGAN ng champion caliber Davao Occidental na ipanalo ang mga nalalabing asignatura nito upang makausad sa susunod na phase ng Maharlika Pilipinas Basket ball League( MPBL) Season 2024.
Optimistiko si Tigers’ team manager Arvin Bonleon na determinado ang bataan nito na makausad sa susunod na round bagama’t matindi at madawag ang dadaanan tungo sa mithing makasungkit muli ng kampeonato sa MPBL.
“Mabigat ang mga kalaban, kailangan nating talunin na parehong home team ang advantage ng makakalaban natin. Determinado ang Tigers natin to preserve our winning tradition,” wika ni Bonleon na lubos din ang tiwala sa kanyang coaching staff sa pamumuno ni head coach Manu Inigo.
Ang 2022 MPBL at 2023 Pilipinas Super League (PSL) champion Davao Occidental Tigers Cocolife na pag-aari ng Bautista clan sa naturang lalawigan sa Mindanao na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas ay may kartada ngayong 15-9 at nasa balag na 6th place sa group B ng team standing.
Sa darating na Miyerkules ay makakalaban ng Tigers ang isa sa bumabanderang koponang Binan Tatak Gel sa kanilang homecourt na Biñan Coliseum. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY