
KILATISIN ang bagong rejuvenated na koponang mabagsik, ang Davao Occidental Tigers COCOLIFE sa pagsabak nito sa umaarangkada nang Maharlika Pilipinas Basketball league (MPBL)
Ang astig na koponan mula Mindanao ay dati nang nagkampeon noong MPBL 22 Lakan Cup Season ay ipagpapatuloy ang legasiyang ‘winning tradition’ nina Mark Yee, Billy Ray Robles, John Wilson, Emman Calo atbp, ang pamosong ‘hear us roar once more!
Binubuo ng Davao Occidental Tigers COCOLIFE na pag-aari ng Bautista clan sa Malita, Davao Occidental at suportado ni COCOLIFE president/CEO Atty Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan, at EVP Atty. Elmore Omelas ng puro bagong manlalaro , ex PBA’s 3×3 experts na hitik sa talento at dalawang beteranong katuwang nila mula nang itatag ang champion caliber team.
Tunay na maasahan pa rin sa both ends of the court sina veterans Bonbon Custodio at shooter Joseph Terso HG katuwang ng mga bagito pero talented new players na sina Reymart Escobido, Val Chauca( ex PBA), Jansher Salubre HG, Jeff Comia PBA 3×3, Tricky Peromingan 3×3, Brian Cabagnot, ex-PBA TH Tumalip, small forward GianAbrigo 3×3, Brix Ramos, Jun Cinco, ex-PBA Harold Arboleda, ex-PBA Keith Agovida, power Forward Justin Alano, new player Richie Popovic, power forward Chris de Chanez3x3, Wowie Escoso, homegrown, Allan Beltran, homegrown shooter Mario Bonleon, Jon Lee Valin at Samuel Peralta.
As of presstime ay nakatakdang managpang ang Tigers kontra Parañaque sa Ynares Center sa Montalban 6pm. (DANNY SIMON)
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE