December 30, 2024

MOVIE ENTRY NINA SHARON AT ALDEN SA METRO MANILA FILM FESTIVAL ANG LALAMPASO SA MOVIE NINA VI & BOYET

INIS ang mga netizens sa pagyayabang ni Vilma Santos, parang hawak niya ang Metro Manila Film Festival gayung ang tunay na reyna ng MMFF ay si Nora Aunor na ilang beses na nilampaso mga pelikula ni Vilma Santos.

Ang feeling kasi niya ay movie na niya ang mag number one sa takilya paano kung ilampaso ng movie nina Sharon Cuneta at Alden Richards ang pelikula ng mga gurangista? Pera na lang kung mahokuspokus nila ang mga moviegoers.

“Sana nga talunin ng ‘Family of Two: Mother and Son Story’ ang pelikula nina Boyet at Vi para malaman nila na hindi na uso ang team up nila.

“Kung papalarin sa Metro Manilla Film Festival, tiyak na bukod sa box-office ay tiyak na hahakot din sila ng awards dahil sa husay nang acting na ipinakita nina Sharon at Alden.” Matapang na chika ng mga followers nina Sharon at Alden.