NASUGBU, BATANGAS – Patay ang walong biktima kabilang ang isang bagong silang na sanggol sa nangyaring aksidente matapos na araruhin ng isang dump truck na meron kargang buhangin ang isang motorsiklo at isang Sports Utility Vehicle (SUV) kaninang alas-4:45 ng madaling araw sa National Road ng Sitio Lodlod, Barangay Aga ng nabanggit na bayan.
Kinilala ang mga kumpirmadong nasawing biktimang sakay ng Mitsubishi Xpander GLX na kulay titanium gray at may plakang NFV 5726 na sina Hipolito Sanggalang, 55; Catherine Joy Ampo; Evelyn Santos; Jayvee Santos; Jerson Santos; Amado Santos, at isang bagong panganak na sanggol, na mga pawang residente ng Barangay Sta. Ana sa Calatagan, Batangas. Habang kinilala naman ang namatay na rider na sakay ng Yamaha Aerox motorcycle na kulay blue at matte gray na may plakang 4400 MQ na si Eduard Ferrer, 45, anyos residente ng Blk.2 Lot 10 Metro Ville Subdivision, Brgy. Balibago, Sta. Rosa, Laguna. Nakilala naman ang suspek na driver ng Shacman Dump Truck na meron plakang NGU 2433 na si Ben Bryan Constantino, 28, residente ng Barangay Bagong Barrio, San Ildefonso sa Bulacan.
Base sa ipinadalang report ng Nasugbu Municipal Police Station sa tanggapan ni Batangas Police Provincial Director Colonel Glicerio Cansilao, binabagtas umano ng dump truck na galing ng Mexico sa Pampanga patungo sa bayan ng Nasugbu na minamaneho ng driver na si Constantino ang pababang bahaging ng naturang lugar nang aksidenteng mawalan ito ng kontrol sa manibela at preno at nahagip ang isang fruit stand bago bumaligtad sa kaliwang bahagi ng kalsada at nahagip ang SUV at motorsiklo na lulan ng mga namatay na biktima dahil sa pagkakadurog at nalibing din sa buhangin galing sa nasabing truck.
Hawak na ngayon ng Nasugbu PNP ang sugatan din na driver ng dump truck at mahaharap sa patong-patong na kaso ng Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Homecide at Damage to Properties. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY