SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tangayin ang motorsiklo ng kanyang kaibigan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa of RA 10883 (New Anti-Carnapping Act) ang suspek na kinilala bilang si Noel Luching, 42, residente ng Barangay San Jose, Navotas City.
Batay sa ulat, tinangay ng suspek ang motorsiklo ng kanyang kaibigan habang natutulog sa inuupahang bahay sa Brgy., 9, Caloocan City kaya agad na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya.
Kaagad naman nakipag-ugnayan ang mga pulis sa District Antiu-Carnapping Unit ng Northern Police District (DACU-NPD) sa ilalim ng pamumuno ni P/Major Rengie Deimos.
Sa isinagawang follow up operation ay naaresto ang suspek sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 78, Caloocan City dakong alas-2 ng madaling araw at nabawi sa kanya ang motorsiklo ng biktima na isang Yamaha Mio.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA