November 24, 2024

MOTORISTA NA NAGMURA SA MGA PULIS SA VIRAL VIDEO, NAG-SORRY (Nagsisi sa kanyang ginawa)


NAG-SORRY ang motoristang na nahuling pinagmumura ang mga awtoridad sa isang viral video.

Sinabi ni Franz Orboz  na kanyang haharapin ang anumang parusang igagawad laban sa kanya.

Labis aniya ang kanyang pagsisisi lalo pa’t nadadamay rin ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa nangyaring insidente.

“What you saw on the video is indeed regretful and contrary to how I was raised with Christian values by my loving parents, who taught me to be respectful to proper authorities,” ani ni Orbos.

Una nang sinabi ng pulisya na kakasuhan ang suspek ng alarm and scandal, resistance at disobedience to a person in authority or agents, at direct assault.

Kinumpirma ng traffic chief ng MMDA na si Bong Nebrija ang paghingi ng paumanhin ni Orbos.

Nag-viral si Orbos sa social media matapos tumangging magpaaresto habang hinahamon ang pulisya: “Hindi niyo ba ako kilala? Alam niyo ba sino tatay ko?”

Sinagot naman ito ni Philippine National Police chief,  Gen. Guillermo Eleazar na wala siyang pakialam kung sino ang ama ni Orbos habang pinuri ang mga awtoridad na humuli sa motorista.