
Nag-anunsyo na ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.
Nasa P6.10 ang magiging tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel; P5.70 sa gasolina at P6.30 sa kerosene.
Mauunang magpatupad ng rollback ang kompanyang Caltex mamayang hatinggabi habang alas-6:00 naman ng umaga bukas ang Shell, Seaoil at Petro Gazz.
Epektibo ang bawas-presyo ng Cleanfuel alas-8:01 ng umaga bukas.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang malakihang rollback sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng lockdown sa Shanghai, China, interest hikes, banta ng recession na maaaring magdulot ng demand destruction at mas mahinang purchasing power dahil sa tumataas na presyo ng essential goods.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes