Kumusta mga Cabalen? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Muli na naman tayong tatalakay sa mga isyu sa ating lipunan.
Nagtataka tayo mga Cabalen tungkol sa mga ikinakasang panukala ng ating mga honorabol. ‘Yung tipong wala na po sa hulog.
Bukod dito, hindi napapanahon o hindi na gaanong mahalaga. Parang ulap na walang hangin at ulan.
Kagaya ng polisiya na nagtatakda ng magsuot ng face masks ang mga loob ng sasakyan. Ito’y sa kabila na kahit na magka-magkamag-anak o magkasama pa sa bahay.
Ito ay itinutulak na panukala ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Kaya naman, tutol dito si Sen. Grace Poe. Aniya, parang di raw pinag-aralan ng ahensiya ang nasabing panukala.
Ani Poe, aprub sa kanya kung ang nasabing polisiya ay ipatutupad sa carpooling services o public utility vehicles. Kung saan, ang mga pasahero ay magkakatabi na hindi nila kasama sa bahay.
Kaya para kay Poe, magiging daan lamang ito para sa korapsyon. Ito’y dahil sa maaari silang hulihin kahit kasama ang kanilang pamilya at pagmumultahin.
Isa pang tuntutin na wala sa hulog ay ang ipinatutupad na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO). Ayon pa sa senadora, chairman ng Senate committee on public services, dapat na ilantad ng LTO ang mga pangalan ng indibiduwal na nag-ooperate ng mga private motor vehicle inspection centers (MVICs)
Ito’y dahil lumalabas sa mga ulat at reklamo ng motorista, ang mga ito ay pag-aari ng mga pulitiko. Nasa 17 MVICs ang binigyan ng permit ng LTO para makapag-operate simula noong Enero.
Maraming naiinis at reklamo sa MVIS mga Cabalen. Kaya,dapat lang munang itigil ito. Ayon sa mga may-ari ng sasakyan, kuwestiyunable ang integridad ng mga MVICs machines sapagkat kahit bago pa ang sasakyan, lumalabas na mayroon itong depekto at bumabagsak sa roadworthiness. Marami rin ang nabibigatan sa binabayaran.
Sa inspection at sa re-inspection fee. Ayon pa sa mga motorista, pinababalik-balik sila dahil marami raw umanong dapat ayusin sa sasakyan. Kaya ang resulta, panibagong fee na naman na pabigat sa bulsa ng mga motorista.
Kaya, dapat na munang itigil ito. Di ba mga Cabalen?
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA