
PATAY ang isang vice mayor ng Rosario, Agusan del Sur matapos sumalpok sa nakasalubong cargo truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Padigusan, Barangay Sta. Cruz ng nasabing bayan.
Nagtamo ng malubhang sugat si Vice Mayor Concordio “Coldo” Ocite dahil matapos tumilapon dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Nadala pa sa ospital ang naturang opisyal subalit hindi na umabot pa ng buhay.
Labis namang naghihinagpis ang pamilya at kaibigan ni Coldo sa sinapit ng naturang vice mayor.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA