Naghain ng motion for reconsideration si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa Office of the Ombudsman.
Ito matapos siyang pababain sa puwesto dahil sa isinumiteng reklamo ng Department of Interior and Local Govt kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanilang lugar.
Bandang alas-11:08 nang magtungo rito sa Ombdsman ang legal team ni Guo sa pangunguna ni Atty. Stephen David para maghain ng Motion for Reconsideration with Urgent Motion to Lift Preventive Suspension.
Ayon kay Atty. Stephen David, nakikiusap sila sa Ombudsman na wag nang paabutin ng anim na buwan ang suspensyon ng alkalde lalo’t wala naman aniyang malakas na ebidensya para idiin si Mayor Guo.
Paliwanag nito, ginawa lang ng alkalde ang trabaho na magisyu ng mayors permit sa Hongsheng Gaming Technology Inc. lalo’t compliant naman ito.
Una nang nagpadala ng personal na liham sa senado si Guo kung saan muli nitong iginiit na ito ay pilipino at hindi nito nanay si Lin Wen Yi na kinakasama at business partner ng kanyang ama.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA