
Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang isang 38-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons kaugnay ng kasong pagnanakaw ng sasakyan, sa Sangandaan Police Sub-Station 4, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joey T. Goforth, Acting Chief of Police, nitong Miyerkules ng umaga, Hunyo 25, 2025, bandang 11:44 AM, sa Barangay 4, Caloocan City.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016. Batay sa tala ng pulisya, may warrant of arrest itong inilabas ng Regional Trial Court, Branch 126, Caloocan City, na may petsang Agosto 1, 2021, at may inirekomendang piyansang ₱300,000.
Isinagawa ang pagsuko sa harap ng isang Alternative Recording Device (ARD) upang masiguro ang transparency at pagsunod sa wastong proseso. Patuloy namang pinoproseso ng Sub-Station 4 ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasauli ng warrant sa korte.
Itinuturing itong tagumpay sa pagpapatupad ng AAA Strategy (Able, Active, and Allied) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General Anthony A. Aberin, Regional Director. Layunin ng estratehiyang ito na paigtingin ang kakayahan ng mga pulis, magsagawa ng proaktibong operasyon, at palakasin ang ugnayan sa komunidad.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Arnold E. Abad, Acting District Director ng Northern Police District, ang Caloocan City Police Station sa matagumpay at mapayapang pagpapasuko na ito, na aniya’y patunay ng tumitibay na tiwala ng publiko sa kapulisan. (BOYET BARBA JR)
More Stories
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
2 REGIONAL MOST WANTED NA PUMATAY SA PULIS, NALAMBAT SA LAGUNA