
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang most wanted na puganteng akusado sa panghahalay nang matunton ang kanyang pinagtataguang lungga sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern Police District (NPD) na nagtatago sa Camarin sa lungsod ang 39-anyos na construction worker na akusado sa panggagahasa.
Katuwang ang Regional Intelligence Unit-National Capital Region (RIU-NCR), pinasok ng mga tauhan ni NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan ang dikit-dikit na kabahayan sa Camiling St. Brgy. 178, Camarin na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:50 ng madaling araw.
Hindi na nakapalag pa si alyas “Palos” nang isilbi sa kanya ng pulisya ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Branch 121 para sa kasong panghahalay sa ilalim ng R.A.8353 o Anti-Rape Law na walang katapat na piyansa para sa pansamantalang paglaya.
Ayon kay Gen. Ligan, nasa talaan ng most wanted person ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang akusado at nasa Top 10 Most Wanted Person ng NPD at Caloocan Police na may inilaang pabuya para sa kanyang pagkakadakip.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN