November 19, 2024

Most wanted person, timbog sa OTBT sa Valenzuela

ISANG lalaki na kabilang sa mga most wanted persons sa Valenzuela City ang naaresto ng pulisya sa One-Time-Big-Time (OTBT) Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Valenzuela City, kamakalaw ang gabi.

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD)  Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa sila ng OTBT/SACLEO sa Brgy. Gen. T De Leon kauganay sa agenda na inilatag ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”.

Dito, natimbog ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station Navotas City ang akusadong si alyas “Tigbak” sa Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen T De Leon.

Ang akusado ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur Balbuena Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong February 22, 2024, para sa kasong Homicide.

Dinala ang akusado sa Valenzuela City Medical Center para sa medical examination bago tinurn-over sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.