
SHOOT sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang most wanted matapos masakote sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.
Kinilala ang naarestong akusado bilang si Edward Soriano, 31 ng Brgy 35, ng lungsod.
Sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Nadora St., 4th Ave., Caloocan City na naging dahilan upang magsagawa sila ng validation sa naturang lugar.
Nang positibo ang report, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU alisunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ng manhunt operation sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:20 ng hapon.
Ani Pabon, si Soriano ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court Branch 1 ng Caloocan City para sa kasong Sexual Assault in relation to Section 5 (B) of RA 7610.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA