
NASAKOTE ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police ang isang most wanted person sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roman” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.
Kaagad bumuo ng team ang SIS saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-7:00 ng gabi sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.
Ang akusado ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder. Pansamantalang ipiniit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
Baha, Sira-sirang Silid-Aralan at Kakulangan sa Upuan, Problema sa Balik-Eskwela 2025
2 huli sa traffic violation, nalantad na sangkot sa extortion gamit ang pangalan ni Liza Marcos
Nonito Donaire, wagi sa pagbabalik sa lona