December 27, 2024

Most wanted person ng Cagayan De Oro, nabitag sa Malabon

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaking most wanted ng Cagayan De Oro City dahil sa kasong panggagahasa matapos matimbog ng pulisya sa manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado bilang si James Ronase, 47, driver dating residente ng PN ROA Calaanan, Canitoan, Cagayan De Oro City at kasalukuyan naninirahan sa No. 82 Kaunlaran St., Brgy., Muzon, Malabon City.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-3:15 ng hapon nang maaresto ang akusado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Patrick Alvarado, kasama ang mga tauuhan ng 4th MFC RMFB-NCRPO sa Malabon City Police Station.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 22, 2016 ni Presiding Judge Jose L. Escobido ng Regional Trial Court (RTC) Misamis Oriental, Branch 37, Cagayan De Oro City para sa kasong Rape by Sexual Assault (2 counts) at Sexual Abuse by Lascivious Conduct (2 counts).

Halagang P200,000 bawat bilang ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kayaan ng akusado.