KALABOSO ang isang helper na nakatala bilang most wanted sa Bulacan matapos masakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si alyas “Nhong”, 30 ng Blck 10 Lot 10 SMC HOA Sitio 6 Brgy. Catmon.
Sa report ni Col. Baybayan kay ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) na nagtatago sa Brgy. Catmon ang akusado.
Alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang SIS sa pangunguna ni PSMS Christopher Rodriquez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ritchell Siñel ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:50 ng hapon sa Gov. Pascual Ave. Sitio 6 Brgy. Catmon.
Ani Cpt. Siñel, pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mirasol Ong Dychingco ng Regional Trial Court, Third Judicial Region Branch 20, Malolos City, Bulacan noong November 7,2023 para sa paglabag sa Sec. 11, Art II of R.A 9165.
More Stories
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag
NAVOTAS, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG TAUNANG NAVOSPASKO HAM
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON