ISANG construction worker na listed bilang most wanted sa Navotas City ang natimbog ng mga operatiba ng Malabon police sa isinagawang manhunt operation sa Dasmarinas Cavite.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Jerry Pastrana, 28 ng Blk 36, Phase 1 Site Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impomasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt Richell Siñel na nagtatago umano ang akusado sa Dasmarinas Cavite.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang SIS sa pangunguna ni PCMS Joey Sia ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng Paliparan Road Dasmarinas Cavite.
Ang akusado ay inaresto ng Malabon police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng National Capital Judicial Region Branch 9, Navotas City noong November 16, 2020 para sa kasong paglabag sa Sec 5 (B) of R.A 7610 (2 counts).
Pansamantalang nakapiit sa costudial facility ng Malabon CPS ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO