
DINAKIP muli ng pulisya sa loob ng kulungan ang isang most wanted person matapos makulong dahil sa ilegal na sugal sa Valenzuela City, kamamalawa ng hapon.
Batay sa ulat, unang naaresto ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang akusado na si alyas “Roberto”, 54, dahil sa ilegal na sugal.
Nang tignan ang kanyang record, nadiskubre ng mga tauhan ng Polo Police Sub-Station 5 na may nakabinbin na arrest warrant ang akusado para sa kasong acts of lasciviousness.
Dakong alas-5:40 ng gabi nang isilbi sa akusado ng mga tauhan ng SS5 sa loob ng Custofial Facility Unit ng Valenzuela police ang warrant of arrest para sa paglabag sa Article 336 of the Revised Penal Code (Acts of Lasciviousness) na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, noong May 18, 2021.
Pinuri naman P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police Station para sa mabilis at maayos na pagpapatupad ng utos ng hukuman.
More Stories
5 Patay, Kabilang ang Sanggol at 2 Bata, sa Sunog sa Pasig
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA