NABITAG ng mga awtoridad ang isang most wanted person ng Malabon City sa kasong murder sa isinagawang manhunt operation sa kanyang pinagtataguang lugar sa Palawan.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado bilang si Marlon Layson, 42-anyos at tubong Taytay sa Palawan.
Ayon kay Barot, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado sa Taytay, Palawan kaya agad sila bumuo ng team kasama ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS).
Kasama ang mga tauhan ng PPO Palawan Provincial Intelligence Unit, Taytay MPS, 2nd PPMFC, 1st PPMFC , 401st B MC-RMFB, PIT Palawan-RIU 4B, RID at CIDG Palawan, ikinasa ng WSS at SIS ang joint manhunt operation na nagresulta sa akusado dakong alas-8:30 ng umaga sa Barangay San Jose, Taytay, Palawan.
Si Layson ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Josie N Rodil ng Regional Trial Court (RTC) Branch 293, ng Lungsod ng Malabon para sa kasong Murder.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA