NAARESTO ng pulisya ang isang rescue officer na nakatala bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Cyrus Mark Siy, 26, Valenzuela rescue officer at residente ng 39 New Year St., Sta. Lucia Village Phase 4, Brgy., Punturin.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Destura na nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:00 ng hapon sa 3S Barangay Lingunan, Valenzuela City.
Ani Lt. Bautista, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong July 11, 2023, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5(b) of R.A. 7610 – Child Abuse Law as amended by R.A. No. 11648 (3 counts).
Ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA