
NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
Sa ulat ng Caloocan City Police kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng 28-anyos na lalaking akusado sa panggagahasa.
Bumuo ng team ang WSS saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-9:20 ng umaga sa Waling Waling St., Area A Brgy., 175, Camarin.
Ayon sa pulisya, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa E. De Guzman-Alvarez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 131, Caloocan City noong May 28, 2024, para sa kasong Rape under Art. 266-B (1) of the RPC.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (JUVY LUCERO)
More Stories
4 Pinoy na Nabiktima ng Human Trafficking sa Cambodia, Nailigtas; BI Nagbabala sa Pekeng Job Offers
SEN. CYNTHIA VILLAR, NAGPUGAY KAY POPE FRANCIS
Banggaan nina Rep. Ading Cruz at Lino Cayetano sa Taguig-Pateros, Lalong Umiinit sa Papalapit na Halalan