September 24, 2024

‘Most guilty’ isisiwalat… ‘DI AKO MASTERMIND, BIKTIMA LANG AKO – ALICE GUO

Sasabihin na nga ba ng sinibak na alkalde na si Alice Guo ng Bamban, Tarlac ang lahat ng kanyang nalalaman?

Ayon kay Guo hindi siya ang mastermind kundi biktima ng umano’y international criminal syndicate na nasa likod ng POGO.

Sinabi niya ito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite ng Senado kaugnay sa ilegal na POGO ngayong Martes, September 24.

“Hindi po ako [ang] mastermind. Ang masasabi ko po ay isa akong victim…Hindi po ako guilty. I think sa tagal ng investigation alam na rin po ng committee po… who is really at the back of everything po,” aniya.

Kasunod nito ay sinabi ni Guo na sasabihin niya sa executive session kung sino ang aniya’y most guilty.

Siniguro rin ng Senado ang kaligtasan ng dating akalde.