December 23, 2024

MORE POWER PATALSIKIN

Nanawagan na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente ng Iloilo City na makialam na sa matagal na nilang problema laban sa bagong electric distributor na MORE Electric and Power Corporation (MORE Power).

Ayon kay Ruperto Supena, Chairman ng Koalisyon Bantay Kuryente sa Iloilo City, hindi katanggap-tanggap na ang pangalan ng kumpaniya ay MORE power gayung panay naman ang brownout sa kanilang lugar subalit napakamahal pa ng singil nito sa kuryente.

“Iloilo is dying and needs the help of President Duterte and the Supreme Court. The lights are out in Iloilo because of MORE power. Their long and frequent brownouts are killing our businesses and livelihoods, and they are disrupting our essential medical services most especially, we need the president to intervene, so he can keep a watchful eye on those who would exploit us,” ani Ruperto Supena, chairman ng Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) sa Iloilo City.

Una nang nanawagan ang grupo sa Kongreso na magkasa na ng imbestigasyon laban sa nasabing power company upang repasuhin ang prangkisa nito dahil sa kabiguang matupad ang kanilang mandato na magbigay ng mura at sapat na suplay ng kuryente.

“There is still time for Congress to change its mind on granting that franchise to more given thetechnical incompetence they have been exhibiting in their provision of service to Iloilo consumers,” dagdag ni Supena.

Ikinakasa na rin ng grupo ang maghain ng petisyon sa Korte Suprema na siyang magreresolba sa usapin ng ownership ng nasabing power utility na siyang susi upang matapos na ang problema nila sa palpak na serbisyo nito.