November 1, 2024

MORE GOOD, GREEN JOBS PARA SA 2030 – MAYOR JOY BELMONTE

Kaisa si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng world leaders sa panawagan para sa common effort upang makalikha ng 50 million good, green jobs matapos ang kanyang pagdalo sa C40 World Mayors Summit sa Buenos Aires, Argentina.

Magbibigay ng magandang oportunidad para sa mga residente ang good, green jobs, at kasabay nito ay matutugunan nito ang concurrent climate at inequality crisis maging ang pagtaas ng kahirapan, tungo sa isang global green, makatarungan at matatag na pagbangon sa 2030.

“Quezon City’s vision of a liveable, green, and sustainable city is centered on building an economy that ensures equitable access to environmental goods now and in the future. We believe that creating jobs that sustain a healthy environment provides equal benefits to nature and people, especially the marginalized,” ayon kay Belmonte. “Thus, programs on sustainable food consumption, clean energy, ecological transport, and circular economy, among others, are actively pursued, while climate financing to support more green investments and jobs are explored,” dagdag pa ng alkalde.

Sa isang press conference, inanunsiyo ni Mayor Belmonte na nakapagbigay ng tulong ang food security program ng siyudad na Grow QC, upang tulungan ang mga residente na maka-recover sa epekto ng COVID-19 pandemic at maging matatag sa pamamagitan ng nutrition at employment schemes.

Matatandaan na inilusad sa kasagsagan ng pandemya ang Grow QC na isang collective at multi-sectoral food security initiative na tutugon sa food inefficiency na karamihan sa mga apektado ay ang mga vulnerable at indigent families.