
Pinagharian ni Jan Paul Morales ang 12.3-kilometer Individual Time Trial Stage 1 ng 11th LBC Ronda Pilipinas. Nagtapos ang unang stage ng karera sa Rampeolas Boulevard sa Sorsogon City.
Itinala nito ang fastest time na 16 minutes at 2 seconds. Dahlan upang maghari sa lap. Nanguna rin ang kanyang team na LBC red sa 59.4km Team Time Trial Stage.
Naungusan ng 2-time Ronda king si Ronals Oranza ng Navy Standard Insurance. Gayundin si Ronnilan Quita ng Go for Gold. Nagtala ang dalawa ng 16:16 at 16:18 minutes ayon sa pagkakasunod.
“I keep saying I give it my everything to win again and I want to prove to our boss Alex Bilian and all our supports that we’re worthy of their support,” ani Morales.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt