Inaasahang 100 porsiyentong maibibigay ang montly allowances ng national athletes at coaches bago mag-Pasko. Ito ang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
Ito’y matapos matapyas ito noong July dahil sa COVID-19 pandemic. Aniya, ang pagkakapasa ng Bayanihan Act 2 para sa sports program ng bansa—ay pansamantalang inayuda muna sa pondo ng anti-pandemic campaign.
“This is good news for our athletes who have become anxious and even lost their focus during the pandemic. With their allowances back to normal, they can now concentrate on their training,” saad ni Tolentino, na siyang sumagwan para makapasa ang Bayanihan Act 2 sa Congress.
Na kung saan, maglalaan ito ng P180 milyon para sa national team members allowances.
“The funds are now with the PSC and we expect the allowances to be back to normal on the next pay day for the athletes and coaches,” aniya.
Ang national team members sa ilalim ng PSC ay mayroong 996 athletes, 262 coaches, 280 para athletes at 82 para coaches. Na ang total monthly payroll ay umaabot sa P41 million.
“It pains me and the POC, and even the PSC, to see the athletes and coaches suffer. After their historic and impressive performance in the 30thSEA Games where we emerged as overall champions, the athletes and coaches deserve nothing less,” dagdag ni Tolentino.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!