NAKAANGKLA pa rin sa Escoda Shoal ang China Coast Guard (CCG) 5901 o ang tinaguriang “monster ship” ng China.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippines Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, dalawang linggo na nasa Escoda o Sabina Shoal ang nasabing Chinese vessel.
“We have reported since last week that we monitored the presence of this CCG monster ship inside the Escoda Shoal anchored at a distance around 600 yards away from BRP Terese Magbanua,” aniya.
“I would like to confirm that as of 7:30 in the morning, the last image that I got from our Coast Guard personnel, the CCG monster ship remains to be inside the Escoda Shoal. It never departed and is still anchored there,” dagdag pa nito.
Matatagpuan ang Escoda o Sabina Shoal sa layong 75 nautical miles o humigit-kumulang 140 kilometro mula sa Palawan at itinuturing na nasa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ).
Naka-istasyon ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal simula Abril dahil sa mga ulat ng reclamation activities ng China sa naturang lugar.
Noong Hulyo 3, sumulpot ang monster ship ng China sa Escoda Shoal at binantayan ang BRP Teresa Magbanua,
Nauna nang sinabi ni Tarriela na ang monster ship ng China ay naka-deploy sa Escoda Shoal upang takutin ang BRP Teresa Magbanua dahil ito ang longest deployment ng Coast Guard sa WPS.
Nagpapatuloy ang tensiyon dahil sa malawakang pagkamkam ng China sa South China Sea (SCS) kabilang abg bahagi ng Pilipinas na tinukoy bilang West Philippine Sea.
Bukod sa Pilipinas, kinakamkam din ng China ang iba pang bahagi ng teritoryo ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei.
Noong 2016, nagdesisyon ang international arbitration tribunal sa Hague pabor sa Pilipinas kaugnay sa claim sa South China Sea.
Gayunpaman, hindi kinilala ng China ang naturang desisyon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY