
Naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa pagka-senador si Manuel Monsour “Monsour” Del Rosario III sa Comelec sa Pasay City.
Si Del Rosario ay tatakbo sa ilalim ng Partido Para sa Demokratikong (PDR).
Kung maalala ang dating congressman na si Del Rosario, 56, ay bemedalled athlete sa larangan ng taekwondo at dati ring aktor na gumanap na rin maging sa ilang international films.
Nagsilbi naman siyang city councilor sa first district ng Makati mula 2010 hanggang 2016 at naging congressman mula 2016 hanggang 2019.
Pero noong 2019 elections ay natalo siya sa halalan.
Tatakbo si Monsour sa national position bilang mga senatoriable sa tambalang Lacson-Sotto.ANAA
More Stories
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG