HANDA na si dating Makati Rep. Monsour del Rosario na maghatid ng pagbabago matapos niyang ianunsiyo ang kanyang kandidatura para bise-alkalde ng Makati City sa 2025 elections.
Ka-tandem si Senator Nancy Binay, na tumatakbo sa pagka-alkalde, nangako si Del Rosario na kanyang tutugunan ang malalaking problema sa lungsod na tinawag niyang ‘Top 4 Nightmares.”
“Number one, the drug problem. Drugs are prevalent in Makati City,” saad niya. “Then there’s unemployment, flooding, and of course, traffic. When it rains, it floods—because our drainage system is messed up.”
Ayon kay Del Rosario, ang mga isyung ito ay matagal nang inirereklamo ng mga residente na gusto ng pagbabago.
“People tell me they’re not happy. They want their lives to be better. What’s hard now wasn’t hard before,” aniya.
Naniniwala si Del Rosario na kung siya ang magiging vice mayor at si Binay bilang mayor, ang problema sa Makati ay mawawala na.
“We’ve promised the people that we’ll address all these issues and turn things around,” pangako niya.
Ibinahagi din ni Del Rosario ang kanyang personal agenda kapag nanalo siyang vice mayor.
“I asked Senator Nancy for two things: let me be the big boss of sports development and prioritize health,” saad niya.
Ikinalulungkot niya ang kakulangan ng atensiyon na ibinibigay sa sports sa Makati, gayung isa ito sa pinakamayamang lungsod sa bansa.
“It’s sad to see that Makati, which has the biggest revenues, is lagging in sports. The kids aren’t given the importance they deserve,” aniya.
Sa usaping kalusugan, binigyang-diin ni Del Rosario ang kahalagahan ng pagkalinga sa mga pinakamahirap na sektor sa lungsod.
“Take care of the senior citizens and the kids. You can’t perform in society if you’re not strong and healthy,” dagdag niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA