MONSOUR DEL ROSARIO IN BATANGAS. Kahapon, Marso 2, umikot sa bayan ng Taal, San Luis, Lemery at Balayan sa Batangas si dating Makati Congressman at kasalukuyang kandidato para senador Monsour Del Rosario. Dinalaw rin ni Del Rosario ang palengke ng Cuenca, Batangas upang kumustahin ang mga negosyante at mamimili roon. Layon ni Del Rosario na matugunan ang mga pangangailangan ng magsasaka, mangingisda, atbp. sa Batangas at buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatag ng isang “agricultural council” na siyang isusulong niya sa senado. Ang agricultural council ay isang espesyal na ahensya ng gobyerno na nakatuon sa pamamahagi ng mga benepisyong pang-agrikultura. (Danny Ecito)




More Stories
DTI itinurnover ang P30-M improved farm-to-market road sa Lanao del Norte
BABAENG SOUTH KOREAN NA WANTED SA RENTAL SCAM NADAKMA
iFWDPH program naglalayong matulungan ang mga OFW na magkaroon ng mga negosyo na nakabase sa teknolohiya