MAINIT na tinanggap ni Vice President Sara Duterte si Mongolian Deputy Prime Minister H.E. Sainbuyan Amarsaikhan sa Office of the Vice President sa Mandaluyong City.
Ang naturang pagbisita ay kasabay ng pagdating ng Deputy Prime Minister sa Pilipinas upang lumahok sa 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.
Kasabay din ito ng pagdiriwang ng 50th Anniversary of Diplomatic Relations sa pagitan ng Pilipinas at Mongolia, isang milestone na nagpapakita ng matagal na pagkakaibigan at bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Natalakay sa kanilang pagpupulogn ang disaster risk reduction at pagtukoy sa banta na hatid ng climate change at natural disasters na maaring makaapekto sa Pilipinas at Mongolia.
Binigyang-diin nila ang mahalagang papel na kahandaan at pagtutulungan sa pagtugon sa mga banta sa seguridad at kapakanan ng dalawang bansa.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan