September 20, 2024

Mommy Dionisia kay Carlos Yulo: ‘Mahalin mo ang nanay mo’

PINAYUHAN ni Dionisio Pacquiao, ina ng boxing icon na si Manny Pacquiao, si two-time Olympics gold medalist Carlos Yulo kaugnay sa pagmamahal sa kanyang ina.

“Mahalin mo ang nanay mo. Huwag ka magtanim, kikim ng samang loob. Mahal na mahal ka sa mama mo, nanay mo. Mahalin mo siya sa lubusan ng pagmamahal bilang nanay, kay mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa’yo bilang nanay,” payo ni Mommy Dionisia.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan si Yulo at ang kanyang ina na si Angelica, na hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media matapos mapanalunan ang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Hindi kasi tanggap ni Angeleica ang girlfriend ng kanyang anak na si Chloe San Jose na isang content creator. Gayunpaman, nag-sorry pa rin siya kasama ang kanyang pamilya kay Carlos sa isinagawang press conference.

Napukaw ang damdamin ng publiko sa kanilang family at umani ng rekasyon mula sa ina ng eight-division Filipino world champion.

Nakilala si Mommy Dionisia bilang masugid na tagasuporta hindi lang ng kanyang anak.

Noong kasagsagan ng karera ni Manny sa boksing, naging sentro ng headlines si Mommy Dionisia, hindi siya nanood ng live sa laban ng kanyang anak at mas gusto pang manatili sa bahay o magsimba upang ipagdasal si Manny.

Sa isang panayam noong 2009, pinasalamatan ni Manny ang kanyang ina para sa kanyang tagumpay sapagkat sinuportahan nito ang kanilang pamilya sa kabila ng kahirapan at sa ginawa nitong pagdidisiplina sa kanya.