MAGBABALIK operasyon na ang mga modernong jeepney sa Metro Manila simula ngayong Lunes, June, 22 na mayroong 15 available na ruta sa publiko, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, asahan pa na mas marami pang ruta ng modernong dyip ang magbubukas sa mga susunod na araw, habang nanatili ang National Capital Region sa general community quarantine (GSQ) bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).
Nasa 308 units ang maaring bumiyahe sa mga rutang ito:
• Novaliches – Malinta (Paso de Blas) (23 units)
• Bagumbayan Taguig – Pasig (San Joaquin) (88 units)
• Fort Bonifacio Gate 3 – Guadalupe Market! Market! (28 units)
• Pandacan – Leon Guinto (30 units)
• Quezon Avenue – LRT 5th Avenue (17 units)
• Cubao (Diamond) – Roces Super palengke (8 units)
• EDSA Buendia – Mandaluyong City Hall via Jupiter, Rockwell (15 units)
• Divisoria – Gasak via H. Lopez (9 units)
• Punta – Quiapo via Santa Mesa
• Boni Avenue – Kalentong/ JRC
• Boni Avenue – Stop and Shop
• Nichols – Vito Cruz
• Filinvest City loop
• Alabang Town Center – Ayala Alabang Village
• PITX – Vito Cruz Taft Avenue
Ayon kay LTFRB chair Martin Delgra, unti-unti nilang bubuksan ang pampublikong transportasyon para sa publiko.
Sinabi niya rin na ang LTFRB ay mayroon ng timeline kung kailan makakabiyahe ang traditional na jeep at UV Express.
Matapos tanggalin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, maraming industriya ang pinayagan makapag-operate muli para makabangon muli ang ekonomiya matapos nitong sumadsad dahil sa COVID-19.
Subalit, naging problema ng mga manggagawa ang kakulangan ng transportasyon – dahilan para maghintay ng ilang oras ang mga mananakay sa kalsada o suwayin ang physical distancing measures.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA