November 5, 2024

MODERNA HUMIRIT NG EMERGENCY USE SA FDA

Naghain na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ang Moderna para payagan na gamitin ang kanilang COVID-19 vaccines sa Pilipinas.


Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, inihain ng nasabing US-based drugmaker ang kanilang emergency use authorization (EUA) application sa regulatory body ngayong araw

Nanindigan naman si Domingo na tatapusin nila ang evaluation sa aplikasyon ng Moderna sa unang bahagi ng Mayo.

Ang paunang shipment ng 200,000 doses ng Moderna ay nakatakdang dumating sa bansa sa June 15.

Una rito, lumagda ang Pilipinas ng tripartite agreement sa Moderna para sa 20 million doses.

Mayroong itong efficacy rate na 94.1 percent “laban sa symptomatic COVID-19, habang 100 percent laban sa severe COVID-19 base sa Phase Three clinical trial data ng bakuna.

Sa ilalim ng kasunduan, ang 13 million ay ilalaan sa pamahalaan habang ang 7-million ay mapupunta sa pribadong sector.