PORMAL na pinabasbasan ang dalawang kauna-unahang modern jeepneys ng Daanghari Modern Jeepney Transport Cooperative na sinaksihan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco. Ang mga nasabing jeepney ay may byaheng Navotas-Monumento. Bawat isang unit ay air-conditioned at mayroong Wi-fi at TV. Inaasahang magsisimula nang pumasada ang mga ito sa susunod na buwan at magdadagdag pa sila ng iba pang units at ruta sa hinaharap. (JUVY LUECRO)


More Stories
PCCI sa Bagong Kongreso: Itulak ang Reporma Para sa Mas Malakas na Ekonomiya
PTFOMS naalarma sa panggigipit sa media sa 2025 mid-term elections
EcoWaste Coalition Nanguna sa Post-Election Clean-Up