TULOY-TULOY lamang ang pag-iikot ng mobile market ng Cainta upang hindi na kailangan pang pumunta sa mga talipapa at palengke ang mga residente ng naturang bayan sa lalawigan ng Rizal.
Ayon kay Cainta Rizal Mayor Keith Nieto kabilang sa inikutan nila ay ang Village East upang serbisyuhan ang mga residente roon.
Paliwanag ng alkalde malaking tulong ang Mobile Market upang hindi na lumabas patungong palengke ang mga residente at maiiwasan na rin na magkakahawaan ang mga residente ng Covid-19.
Sabi ni Nieto, kumpleto na ang mga tinitinda sa Mobile Market gaya rin ng tinitinda sa mga palengke at ang presyo ay walang pagkakaiba sa presyo ng mga nabibili sa Cainta Public Market.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA