Upang ilapit sa mga fans ang Mobile Legends athletes, naglabas ng limited edition ng MPL-Philippines sports cards ang game developer na Moonton. Kabilang sa set ng special card ay si Filipino boxing icon at brand ambassador Manny Pacquiao. Na may skin released sa isang hero na ‘Pacquito’.
Bukod kay Pacquiao, mayroon pang 75 collectible designs. Kung saan ay tampok ang team portraits ng all teams.
Kabilang dito ang Bren Esports, Smart Omega Esports, Execration at ONIC PH. Kasama rin ang Aura PH, BlacklIst International, Nexplay Esports, Cignal Ultra, Work Auster Force at Laus Playbook Esports.
May portrait din sa cards ang bawat players at five official shoutcasters.
Nakasaad sa info ng cards ang team achievements at history na makikita sa likod. Featured naman sa players card ang kanilang kill-death-assist at team fight participation.
Gayundin ang gold per minute, damage per minute, damage taken per minute at turret damage per match percentages. Kabilang naman sa mga shoutcasters sina Manjean “Manjean” Faldas, Caisam at “Wolf” Nopueto. Nandyan din sina Adrian “Butters” Frias, Rob “Rob Luna” Luna at Karl “Rockhart” .
Ang cards’ levels ay maaaring classified as Elite (White), Epic (Silver) at Legendary (Gold). Ang Legendary-type card ay limited lamang sa star players, the team’s portraits at Manny Pacquiao.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?