December 25, 2024

MOBILE BOOSTER VACCINATION SA NAVOTAS, SIMULA NA

Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay muling maghahatid ng house to house na pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bedridden na Navoteno.

Simula sa February 14, ang mobile vaccination team ay bibisitahin ang bawat 18 na mga barangay para sa pagbabakuna ng AstraZeneca booster sa mga residenteng hindi pisikal na makapunta sa alin man vaccination sites ng lungsod.

“We want Navoteños, especially those sick and vulnerable, to remain protected against COVID-19.  If they can’t go to our vaccination sites, then we will bring the vaccines to them,” ani Mayor Toby Tiangco.

“If you have a family member who have been vaccinated and are ready to receive their booster dose, have them registered so they can receive their jabs as soon as possible,” pahayag niya.

Ang mga nais mag-avail ng mobile vaccination services ay maaaring magparehistro sa kani-kanilang barangay o magpadala ng message sa Navoteno Ako Facebook page o TXTJRT: 0915-2601385 (Globe), 0908-8868578 (Smart) and, 0922-8888578 (Sun).

Hanggang February 10, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 200,361 ng first doses ng COVID vaccine, 194,752 second doses, at 47,527 booster doses.