Sinelyuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang kasunduan kasama ang Department of Environment and Natural Resources at ang Philippine Coast Guard para sa partnership upang mapabuti ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.
Nilagdaan ang kasunduna nina Mayor Toby Tiangco; DENR-National Capital Region Executive Director, Jacqueline Caancan; at DENR–Environmental Management Bureau-NCR Bureau Director at concurrent Regional Director, Engr. William Cuñado.
Kabilang din sa mga lumagda sina PCG-Coast Guard District, NCR-Central Luzon Commander, Commodore Charlie Rances at PCG-Maritime Safety Services Commander, Vice Admiral Eduardo Fabricante.
“We welcome this partnership with the DENR and the Coast Guard. Working together is always better than working alone. We are grateful that even with the pandemic, the program to clean and rehabilitate Manila Bay remains a priority,” ani Tiangco.
Sa ilalim ng MOA, maglalagay ang DENR-EMB-NCR ng isang Water Quality Monitoring Equipment (WQME) na may palutang malapit sa bay-bayin ng Brgy. Tanza 1 upang mamonitor ang kalidad ng tubig sa bay.
Sasagutin din ng ahensya ang gastos ng mga kagamitan sa monitoring equipment at installation, pati na rin ang mga gastos sa pagpapatakbo ng istasyon.
Papayagan naman ng Navotas ang paglalagay water quality monitoring station at mga accessories sa tabi ng baybayin ng barangay, pati na rin ang patuloy na operation at maintenance ng mga tauhan ng DENR-EMB-NCR at magbibigay din ang lungsod ng tulong upang matiyak ang seguridad ng monitoring station.
Samantala, papayagan ng PCG-MSSC ang pagpasok ng mga awtorisadong kinatawan na magchek at susiri sa WQME.
Magbibigay din sila ng mga tauhan na tutulong sa pagpapanatili ng istasyon, subaybayan ang WQME buoy at agad na mag-ulat kung mayroong pagbabago sa lokasyon.
Magbibigay naman ang PCG-CGDNCR-CL ng manpower upang tumulong sa real-time na operasyon ng WQME, pangalagaan ang buoy at magbigay ng sasakyang pandagat upang iligtas ang buoy sakaling may sakuna. Ang kasunduan ay epektibo sa loob ng 10 taon.
Noong March, nakatanggang ang Navotas recognition bilang 2020 Most Compliant Local Government Unit sa paglilinis at pangangalaga ng Manila Bay.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE