
OPISYAL na nagsanib-puwersa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Green Antz Builders, Inc. upang palakasin ang mga hakbangin sa pagpapanatili ng lungsod sa pamamagitan ng isang programa sa pagbawi ng mga basurang plastic.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Green Antz Builders General Manager Elinor Quilas ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA), nitong Lunes.
Sa ilalim ng kasunduan, ang Green Antz ay magbibigay ng kinakailangang makina at teknolohiya, magsasagawa ng mga programa sa pagsasanay sa wastong paghihiwalay ng basura, epektibong pamamahala sa paggamit ng Material Recovery Facility (MRF) ng Lungsod, at maghakot ng malinis at tuyong basurang plastik mula sa MRF. Magbibigay din ang kumpanya ng insentibo na plano para sa mga kalahok ng programa.
Si Mayor Tiangco ay nagpahayag ng optimismo tungkol sa pakikipagtulungan at sinabi na ito ay nakaayon sa pangako ng lungsod sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili.
“This partnership with Green Antz strengthens our efforts towards a cleaner, greener, and more sustainable Navotas. Through proper waste management and active community participation, we can make a significant impact for future generations,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Nanawagan din siya sa mga Navoteño na aktibong suportahan ang inisyatiba sa pamamagitan ng tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura.
“We urge everyone to cooperate by segregating their waste correctly and, most importantly, refraining from throwing plastic garbage into waterways and other bodies of water. Our small everyday actions can have a huge impact in protecting our environment and our future,” dagdag niya.
Dumalo rin para saksihan ang seremonya ng paglagda si City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Chief Ms. Yzabela Bernardina Nazal-Habunal.
More Stories
Vote-Buying? Mga Kandidato sa Malabon, Sinampahan ng Disqualification Case sa COMELEC
QC NAG-ALOK NG MAHIGIT 11,000 TRABAHO SA LABOR DAY JOB FAIR
P20 RICE PROGRAM SA METRO MANILA, NAURONG SA MAY 13