January 18, 2025

MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Miyerkules na suspindido ang pagpapatupad ng pinalawak na number coding scheme para sa nalalapit na holiday season, kabilang ang Rizal Day.

Sa advisory, sinabi ng MMDA na ang number coding scheme ay suspendido sa mga sumusunod na araw:

  • Tuesday, December 24 – Christmas Eve (special non-working holiday)
  • Wednesday, December 25 – Christmas Day (regular holiday)
  • Monday, December 30 – Rizal Day (regular holiday)
  • Tuesday, December 31 – last day of the year (special non-working holiday)
  • Wednesday, January 1, 2025 – New Year’s Day (regular holiday)

“Ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada ay tumataas dahil sa malaking bilang ng mga tao na magbabakasyon at magdiriwang ng kapaskuhan,” sabi ng ahensya.

“Saan man ang iyong destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sundin ang mga batas trapiko, at magmaneho nang maingat.”