January 23, 2025

MMDA SA PUBLIKO: UMIWAS MUNA SA EDSA

PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na umiwas muna sa EDSA hanggang Agosto 9 sa harap ng gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director Atty. Victor Nuñez na magsasagawa ng one-time, big-time na limang araw na road repair sa kahabaan ng EDSA.

“August 4 up to August 9 po ng umaga please avoid EDSA because from Buendia, EDSA up to Balintawak there will be road repairs, may road reblocking at mayroon din pong asphalt overlaying na gagawin ang mga contractors ng DPWH,” sabi ni Nuñez.

Idinagdag ni Nuñez na magpapakalat ng 650 na enforcer para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko.

“At sana po after this five-day na matinding one-time, big-time na road repairs ay ginhawa naman po ang kapalit kasi marami na hong potholes along EDSA, delikado ho sa mga motorista. Dala na rin ito ng matinding pag-uulan for the past few weeks so kailangan na ho talagang kumpunihin ng DPWH,” aniya.