INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik-operasyon ng Pasig River Ferry Services (PRFS) simula sa Lunes, Agosto 3.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, libreng sakay ang handog sa mga pasahero ng partial operations ng ferry service.
“We are pleased to announce that everything is set for the partial resumption of the PRFS, but only half of its capacity, inclusive of ferry boat crew. Also, we will continue to provide free rides for the ferry passengers,” paliwanag ni Lim.
Kabilang sa mga ferry station na mag-o-operate sa Lunes ay ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton at Escolta.
“We look forward to serving our passengers, compliant with the physical distancing policy and other health protocols to ensure their safety,” giit ni Lim.
Bilang preperasyon sa muling pagpapatuloy ng operasyon ng PRFS, lahat ng ferry stations at ferry boats, kabilang ang docking at maintenance facilities, ay isinailalim sa mandatory disinfection.
Naglagay din sila ng floor markings, stickers at posters upang gabayan ang mga pasahero para maobserbahan ang physical distancing.
Bukod dito, ayon kina Frisco San Jr., MMDA Deputy Chairman at ferry service head, na may standard operation procedures na itinakda ng PRFS committee na higit na gagabay sa mga pasahero.
Ito ay ang mga sumusunod:
- No mask, no entry;
- Physical distancing shall be observed at all times;
- Passenger who has colds, cough or body temperature with greater than 37.5 degrees Celsius will not be allowed to enter the PRFS premises; and
- Only persons aged 21-59 years old will be allowed to board ferry boats.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA