NAKAHANDANG tumulong ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa clean up at clearing operation sa mga lugar sa Metro Manila na matinding naapektuhan ng bagyong “Uylsses.”
Tiniyak ni Danilo Lim, chairman ng MMDA, na hindi titigil ang kanyang mga tauhan sa kanilang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa kani-kanilang mga lugar.
“Asahan na handa ang MMDA na tumulong sa anumang pagkakataon o krisis. Kahit sa simpleng pamamaraan, bibigyan natin ng tulong hanggang sa kaya nating ibigay, ” pagtitiyak ni Lim.
Sa kabilang banda, nangako ang ahensiya na tutulungan ang Marikina na muling makabangon matapos ang matinding pagbaha dulot ng bagyong “Ulysses.”
Ihinambing ni Lim ang ginawang pinsala ni ‘Ulysses’ sa naging epekto dulot ng Bagyong ‘Ondoy’ noong 2009.
Tulad ng kalamidad noong nakaraang linggo, ang Marikina ay nilamon ng napakalaking pagbaha na sinamahan ng putik na nagmula sa mga matataas na lugar ng lalawigan ng Rizal dahil sa matinding pag-ulan.
Nauna nang sinamahan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro si Lim at ang kanyang mga tauhan upang surbeyin kung hanggang saan ang pinsala na natamo ng lungsod sa naganap na bagyo. Sinabi ni Lim na dahil sa nakita sa pag-iinspeksyon, determinado ang MMDA na tulungan ang lungsod sa paglilinis ng komunidad.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA